Opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) no. 167 na layong paigtingin pa ang Philippine Commission on Women (PCW) at amyendahan ang nauna nang kautusan para dito.
Ang komisyon ay pamumunuan ng chairperson na itatalaga ng pangulo.
Magiging full-time basis ang pagsisilbi nito at may ranggo at benepisyo ng isang undersecretary.
Dinagdagan o pinaghiwalay rin ng EO ang representante mula sa sektor ng senior citizen at Persons with Disabilities (PWD).
Ibig sabihin, mula sa dating 10 ay magiging 12 na ang representante sa hanay ng non-government organization (NGO).
Magsisilbi namang ex-official members ang mga pinuno ng government agencies.
Magkakaroon din ng secretariat ang komisyon, na siyang mangangasiwa ng mga technical at administrative services para sa mga miyembro ng komisyon. – sa panulat ni Abby Malanday