Tinalakay sa naganap na courtesy call ng apat na mga diplomats kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung papaano palalakasin ang Pilipinas sakaling maupo na ito bilang Ika-17 Pangulo ng bansa.
Kabilang sa mga nakausap ni Marcos sina Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho, European Union Ambassador to the Philippines Luc Vèron, France Ambassador to the Philippines Michelle Boccoz, at British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils.
Umaasa ang apat na diplomats na magkakaroon ng mas maraming economic reforms, maipagpapatuloy ang maritime support at joint maritime exercises.
Asahan din na mas lalago pa ang relasyon sa pagitan ng apat na nabanggit na bansa at nang Pilipinas na kapwa mga co-founders ng ASEAN.