Manalo man o matalo, ang mahalaga umano kay Barangay Ginebra San Miguel Coach Tim Cone ay mapalakas ang pundasyon ng koponan.
Inamin ni Cone na hindi niya inaasahang matatambakan ng Kings ang Meralco Bolts sa score na 89-64 sa nakaraan nilang laro sa Biñan, Laguna.
Dahil sa naturang tagumpay, taglay na ng Ginebra ang 2-3 win-loss record sa PBA standings.
Matatandaang naging susi sa panalong iyon ng Ginebra sina big man Greg Slaughter, Center Japeth Aguilar, Mark Caguioa, LA Tenorio at Nico Salva.
Ayon kay Cone, tinututukan na umano niya ang pagpapanatili ng momentum ng Kings para maipanalo ang mga susunod pa nilang laro.
By Jelbert Perdez