Muling Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Na isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagbuhay at pagpapalakas ng turismo sa bansa.
Sa ginanap na Philippine Tourism Industry Convergence Reception sa SMX Convention Center sa Pasay City, inihayag ng punong ehekutibo na suportado niya ang mga isinusulong na programa ng Department of Tourism (DOT) na makatutulong upang makabangon ang ekonomiya.
Ayon kay PBBM, patuloy na ide-develop ang mga kilalang resort areas sa bansa.
Tinututukan din aniya ang pagdaraos ng mga job fairs upang magkaroon ng hanapbuhay ang mga nasa tourism sector.
Bukod dito, mas paiigitingin din ang accessibility sa mga tourist spots tulad ng pagtatayo ng mga imprastraktura at pagkukumpuni ng mga paliparan upang dumagsa ang mga turista at lumakas ang industriya. - sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)