Umaasa si US President Barack Obama na mapapatatag pa ang relasyon sa pagitan ng Amerika at ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN.
Sa pagbubukas ng US-ASEAN Summit sa Sunnylands sa California, nanawagan si Obama ng kooperasyon sa ASEAN leaders.
Dapat aniya nilang palakasin ang ugnayang pangkalakalan, counter terrorism at ang mapayapang pagresolba sa mga sigalot.
Kasunod nito, nagpahayag naman ng pagkabahala ang mga ASEAN leaders sa walang tigil na pag-aangkin sa teritoryo ng China sa South China Sea.
By Jaymark Dagala