Iminungkahi ng isang mambabatas ang pagpapalakas pa ng Radyo Pilipinas.
Ayon kay Agusan Del Norte Rep. Lawrence Fortun, mahalagang mapalakas pa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang Radyo Pilipinas lalo na sa mga probinsya.
Napansin niya kasi umano ang tila kawalan ng mekanismo para ma-monitor ang rating ng mga istasyon ng Radyo Pilipinas, partikular sa mga probinsya.
Dagdag pa ni Fortun nanghihinayang siya na hindi nagagamit ng mabuti ang mga kagamitang binibili sa mga government radio stations na pinaglalaanan ng pondo kada taon.
Sa kasalukuyan ay nasa ika-9 na pwesto sa ratings sa Metro Manila ang Radyo Pilipinas habang pang-6 ang FM stations nito.