Inihayag ni 2nd district Albay representative at Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda na susi sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas ang mas pinalakas na pamumuhunan sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa opisyal, kailangang gawin ang tamang panuntunan ng mga lider ng bansa base sa mga hamong kinakaharap ng bansa.
Ito’y sa kabila ng perspektibo ng International Monetary Fund (IMF) na magkakaroon ng economic turbulence sa pagbabago ng pananalapi ng Estados Unidos at sa banta ng COVID-19 virus.
Bilang tugon sa babala, sinabi Salcedo, na dapat dagdagan ng bansa ang batayan ng pagmahal ng mga bilihin at gastusin. —sa panulat ni Kim Gomez