Inihayag ni Sorsogon governor Chiz Escudero na dapat palakasin ng pamahalaan ang industriya ng pangingisda.
Ito’y upang malutas ang kinakatakutang kakulangan kaysa makisabay sa kompetisyon sa importasyon.
Natatakot ang Sorsogon governor na matulad ang mga mangingisda sa mga magsasaka na naapektuhan ang kabuhayan.
Samantala, suhetsyon ni Escudero, na dapat huling opsyon ang importasyon ng anumang produkto. Ang higit na kailangan ng bansa ang pangmatagalang solusyon sa industriya ng pangingisda. —sa panulat ni Kim Gomez