Preventive Health Care at Digitalization.
Ito ayon kay dating Bulacan Governor at Public Health Advocate Roberto “Obet” Pagdanganan ang mga kinakailangan para para matugunan ang mga pangunahing concerns sa health care system ng bansa.
Ang Preventive Health Care at Digitalization aniya ay napatunayang epektibo sa Thailand at maging sa Malaysia na kapwa mayruong maayos na health care systems.
Sa kanyang talumpati sa idinaos na 47th Annual Convention ng Philippine College of Hospital Administrators (PCHA), binigyang diin ni Pagdanganan, Chairman ng E-Healthcore ang pangangailangang mabawasan ang aniya’y out of pocket expenses na nagpapahirap sa milyun milyong pamilyang Pilipino.
Kasabay nito, nanawagan din si Pagdanganan sa agarang pagkilos para makontrol ang pagkalat ng Tuberculosis sa bansa na ikatlo sa mayruong pinakamataas na kaso ng nasabing sakit sa buong mundo nuong 2020, batay na rin sa report ng World Health Organization (WHO).
Si Pagdanganan na anchor ng DWIZ program na “Obet P. sa IZ” ay humarap sa mahigit 500 Health Administrators sa buong bansa kung saan tinalakay nito ang usapin ng “Transformational Governance in Philippine Health Care System.