Preventive health care at digitalization.
Ito ayon kay dating Bulacan Governor at public health advocate Roberto “Obet” Pagdanganan ang mga kinakailangan para para matugunan ang mga pangunahing concerns sa health care system ng bansa.
Ang preventive health care at digitalization aniya ay napatunayang epektibo sa Thailand at maging sa Malaysia na kapwa mayruong maayos na health care systems.
Sa kanyang talumpati sa idinaos na 47th annual convention ng PCHA o Philippine College of Hospital Administrators, binigyang-diin ni Pagdanganan, chairman ng E-healthcare ang pangangailangang mabawasan ang aniya’y out of pocket expenses na nagpapahirap sa milyun-milyong pamilyang Pilipino.
Mahigpit ding isinusulong ni Pagdanganan ang agarang implementasyon ng Universal Health Care Act at pag-upgrade sa mga ospital sa bansa upang makaabot sa global standards at maging competitive sa yumayabong na medical tourism market na tinataya ng fortune business na nasa 14 billion US dollars nuong 2021 at inaasahang papalo sa 53 US dollars sa 2028.
Kasabay nito, nanawagan din si Pagdanganan sa agarang pagkilos para makontrol ang pagkalat ng tuberculosis sa bansa na ikatlo sa mayruong pinakamataas na kaso ng nasabing sakit sa buong mundo nuong 2020, batay na rin sa report ng WHO o World Health Organization.
Si Pagdanganan na anchor ng DWIZ program na “Obet P sa IZ” ay humarap sa mahigit limandaang health administrators sa buong bansa kung saan tinalakay nito ang usapin ng “transformational governance in Philippine Health Care System.