Upang makabenta ng bigas sa halagang 27 pesos kailangang palakasin ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) sa pagbili nito ng mas maraming palay mula sa mga magsasaka at tingiang abot-kayang bigas.
Ito ang inapela ni Anakpawis Party-List national president Ariel Casilao kaugnay sa anunsyo ng Department of Agriculture na pagbebenta ng NFA na bigas sa nasabing halaga para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Mungkahi nito, amyendahan ang rice liberalization law para sa kapakanan ng publiko lalo na ng mga mahihirap na Pilipino at i-exempt ang NFA sa ilang probisyon ng naturang batas at bigyan ng sapat na budget ang ahensya para maka-procure ng 10% na total production ng palay sa bansa