Iginiit ni AAMBIS OWA Party-list Representative Sharon Garin ang pag-apruba sa panukalang naglalayong palakasin ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Kasunod na rin ito nang pananalasa ng Bagyong Quinta at Rolly na matindi nag-iwan ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
Layon ng House Bill 7627 na itaas ang capital stock ng PCIC sa P10-bilyon mula sa P2-milyon para makatulong sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda kabilang ang pagpapalawig sa life at accident insurance coverage ng mga ito kasama na ang kanilang dependents.
Sa ilalim ng panukala, obligado ang PCIC na i-insure ang mga ari-arian at mga pasilidad ng gobyerno na ginagamit sa agriculture fishery forestry projects.
Nakasaad din sa panukala ang extension ng reinsurance coverage para sa pananim na palay at mais, high value commercial crops, livestock, aquaculture and fishery products, agro forestry crops at forest plantations.