Dapat pag-aralan ng gobyerno kung paano magiging mas produktibo ang sektor ng agrikultura.
Ito lamang ang nakikitang paraan ni Undersecretary Bernie Cruz, outgoing acting Secretary ng Department Agrarian Reform (DAR) upang makaiwas ang bansa sa nagbabadyang food crisis.
Kung tututukan anyang maigi ang food production, sa halip na importasyon at i-mo-modernize ang farming technology ay tiyak na makatutulong ito upang matiyak ang supply ng pagkain.
Kinatigan din ni dating Agriculture Secretary ang pahayag ni Cruz at bagaman kakayaning ibaba ang presyo ng bigas at kada kilo ng palay, malaking halaga ng subsidiya ang igugugol ng gobyerno na malabo ring mangyari dahil sa epekto ng pandemya sa government funds.
Sina DAR Undersecretary Bernie Cruz at dating DA Secretary Manny Piñol, sa panayam ng DWIZ.