Nagpahayag ng pagsuporta si House Speaker Martin Romualdez sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa pribadong sektor tungo sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng imprastraktura at serbisyo.
Ayon kay Romualdez, tama na pumasok sa mas maraming Public -Private Partnership (PPP) ang mga Local Government Unit (LGU) na magdudulot aniya ng mas maraming trabaho, oportunidad sa kabuhayan at makatutulong sa pondo ng lokal na pamahalaan para magamit sa iba pang mga mahahalagang serbisyo.
Makatutulong din aniya ito upang maalis ang responsibilidad sa mga LGU sa pagpapatakbo ng mga proyektong pang-imprastraktura na batay sa karanasan ng gobyerno, ay mas pinamamahalaan aniya ng pribadong sector.
Gayunpaman, maaaring lumapit ang mga lokal na pamahalaan sa mga pribadong sektor upang makahanap ng kasosyo o investors. – sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)