Pinaplano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palawakin ang sakop ng daanan ng mga pasahero sa EDSA Busway.
Ayon kay Mel Carunungan, tagapagsalita ngMMDA, nais ni MMDA chairperson Carlo Dimayuga III na maging maayos ang daanan ng mga pasahero papasok at palabas ng busway.
Ito ay para hindi gaanong magsiksikan ang mananakay lalo na kapag rush hour.
Ang mga nakikitang solusyon ng mmda sa plano ay bawasan ang daanan ng mga bus at magtayo ng tulay at footbridge sa mga pasahero.
Samantala, ikinokonsidera din ng mmda na magtayo ng comfort rooms sa mga bus stops para maging komportable ang mga mananakay.