Iginiit ni Senador Sonny Angara ang pagpapalawak ng primary care benefit package ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH).
Ayon kay Angara, dapat aniyang mapabilang sa inaalok na package ng PHILHEALTH ang libreng check-up, lab test at gamot para sa lahat ng mga Pilipino.
Binigyang diin ng Senador na makatutulong aniya ang naturang hakbang kalaunan sa pagpapahusay ng PHIC sa kanilang kalagayang pampinansyal.
Nilalayon ng primary care benefit package na mapabuti ang access sa outpatient medicine, mabasan ang pagpapa – ospital at mapahusay ang kalusugan ng mga pasyente na may hindi nakahahawang karamdaman bago lumala ang sitwasyon.
Kasalukuyang nagsasagawa ng review ang Senado sa performance at accomplishment ng PHILHEALTH sa gitna ng napaulat na pagkalugi nito na nagkakahalaga ng Siyam na Bilyong Piso gayundin ang 700 Milyong Pisong pagkakautang sa mga pribadong ospital.