Nanawagan ang Department of Education (DepEd) na suportahan ng mga stakeholder ang pagpapalawak ng implementasyon sa limited face-to-face classes sa susunod na buwan.
Nabatid na lumala ang sakripisyo sa pagitan ng mga guro at estudyante matapos ipatupad ang online class o blended learning maging ng mga eskwelahan makaraang gamitin bilang isolation area ng mga COVID-19 patient.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mas paiigtingin at palalawakin pa nila ang pagpapatupad ng protocols upang maging ligtas ang mga guro, kawani at mag-aaral sa face-to-face classes.
Patuloy ding ipatutupad ng deped ang framework, maging ang operational steps bilang paghahanda para sa pagpapalawak ng pagbabalik klase.
Samantala, muli namang iginiit ng DepEd na tanging ang mga bakunadong guro at kawani lamang ang papayagang lumahok sa pagpapalawak ng pilot implementation ng face-to-face classes.
Bukod pa dito, patuloy rin ang kanilang pakikipag-usap sa Department of Health (DOH) para sa pediatric vaccination dahil ang vaccinated learners umano ang mas mabuti na sumali sa expansion. —sa panulat ni Angelica Doctolero