Inendorso na ng Senate Committee on Electoral Reforms ang pag-apruba sa panukalang palawakin ang basehan sa pagdedeklara ng nuisance candidates o mga panggulong kandidato.
Ang panukala ay pag-amyenda sa Omnibus Election Code para maiwasan ang pagkalito ng mga botante at maiwasang magulo ang mga tunay na kandidato.
Kabilang sa mga kinukunsidera na nuisance ay mga kandidatong naghahangad tumakbo para lamang kumita, mga nag-file lang ng COC o Certficate of Candidacy para guluhin ang mga botante dahil kapareho ng pangalan nito ang pangalan ng isang lehitimong kandidato.
Tiniyak sa naturang panukala nina Senador Jinggoy Estrada at Antonio Trillanes IV ang paggawad ng parusa sa sinumang kandidatong aalipustahin ang electoral process.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)