Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibleng pagpapalawak sa operasyon ng motorcycle taxis at iba pang katulad na serbisyo sa labas ng Metro Manila.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na Bagong Pilipinas Town Hall Meeting.
Ayon kay Pangulong Marcos, tinatayang mayroong 15 million motorcycle riders sa Pilipinas. Kinikilala niya ang benepisyo at kahalagahan ng mga serbisyo nito.
Dahil dito, pinag-aaralan na ng pamahalaan kung saang high-traffic areas maaaring palawakin ang motorcycle services, katulad ng transportation, delivery, at messenger.
Sa kasalukuyan, wala pang batas para sa legalisasyon ng motorcycle taxi bilang alternatibong transportasyon, ngunit nagsasagawa ng pilot study ang pamahalaan upang maging batayan.
Para naman kay Pangulong Marcos, dapat maging “holistic” o komprehensibo ang sistema nito.