Naniniwala ang isang mambabatas na hindi lamang lulutasin ng pagpapalawak sa railway system ng bansa ang problema sa trapiko kundi makatutulong din ito sa pagpapaluwag ng populasyon sa Metro Manila.
Paliwanag ni House Majority Leader at Zamboanga City Representative Manuel Jose “Mannix” Dalipe, kung mayroon kasing modernong sistema ng tren mas pipiliin ng mga Pilipino na manirahan sa labas ng Metro Manila.
Aniya, dapat ay matagal nang binigyang prayoridad ang modernisasyon at pagpapalawak dito upang hindi na kailangang tiisin ang mabigat na trapiko sa maynila gayong ang tren ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan ng transportasyon at hindi ang mga sasakyan.
Nabatid na isa sa prayoridad ng administrasyong Marcos Jr. ang pagpapaunlad sa sistema ng tren sa bansa. – sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)