Inaasahang pag uusapan sa pulong ng Inter-Agency Task Force para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung kailangang palawakin pa ang restrictions sa pagbibiyahe.
Sa harap ito ng bagong kaso ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 tulad ng Singapore at pagdami ng kaso ng naturang virus sa South Korea.
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, regular na nire-review ng komite ang mga guidelines sa tuwing sila ay magpupulong upang alamin kung napapanahon pa at naaayon pa sa sitwasyon ang mga ito.
Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na hindi magpapatupad ng travel ban sa South Korea subalit pinapayuhan ang mga Pilipinong magtutungo duon na ipagpaliban o i-delay muna ang kanilang biyahe.