Pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila na palawigin ang serbisyo ng Drive-thru booster shots para sa mga couriers.
Ito ay matapos dagsain ng daan-daang delivery riders at bicycles ang Bonifacio Shrine para sa karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kakaunti lamang ang nakapagturok ng booster shots sa dami ng dumagsa dahil sa haba ng pila.
Sa katunayan, pito sa sampung nagpapaturok ay hindi residente ng Maynila.
Agad namang inaprubahan ng lokal na pamahalaan ang nagpapatuloy na pagbabakuna ng booster shot sa Divisoria alinsunod sa request ng mga drivers, vendors, at delivery boys.
Hanggang kahapon, umabot na sa 754 driver, vendors at delivery boys ang nakapagturok ng boostershot sa Divisoria.—sa panulat ni Abby Malanday