Inirekomenda ng mga eksperto sa gobyerno na palawigin pa ng isa pang linggo ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa (NCR) plus.
Ayon sa OCTA research group, ito’y para maramdaman ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kung hindi aniya posible na magpatupad muli ng ECQ sa ikatlong linggo, makabubuting isailalim ang NCR plus sa MECQ ng dalawang linggo para mapanatali ang pagbabagong idudulot ng nakalipas na dalawang linggo.
Sa kasalukuyang sitwasyon anila ngayon ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, masasabing hindi pa ito ideal para muling buksan.