Pag-uusapan na ngayong hapon ng Inter Agency Task Force (IATF) kung dapat palawigin o tatanggalin na ang Luzon wide community quarantine.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tila mayroong nakakaisang opinyon ang mga medical experts, negosyante at government officials na kailangang palawigin pa ng dalawang linggo ang lockdown.
Tiniyak ni Panelo na nakikinig ang Pangulong Rodrigo Duterte sa opinyon ng mga eksperto at nakatutok ito sa mga nangyayari sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Pinag-aaralan anya ng Pangulo ang pinakamagandang option upang matiyak ang panalo ng bansa sa giyera kontra COVID-19.