Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalawig ng enrollment period sa mga pampublikong paaralan hanggang Hulyo 15.
Ayon kay Education Secretary Leoner Briones, may mag natatanggap na silang request mula sa mga magulang para sa extension ng enrollment na nakatakda nang magtapos ngayong araw.
Sinabi ni Briones, malaki pa rin ang nakikita nilang demand mula sa mga magulang at mag-aaral sa kanilang ng naunang kalituhan sa pagtatakda ng petsa ng pasukan.
Aniya, posibleng nahihirapan pang magdesisyun sa ngayon ang mga magulang kung pag-aaralin o hindi ngayong pasukan ang kanilang mga anak bagama’t patuloy nilang hinihikayat ang mga ito.
Sa pinakahuling tala ng DepEd, umaabot na sa mahigit 12.6-M mga estudyante na ang nakapag-enrol sa mga paaralan.
Kulang pa anila ito ng mahigit 12.6-M mula sa inaasahang 27-M mga mag-aaral na magpapatala para sa school year 2020-2021.