Bubuksan na sa mas maraming grade levels ang pagpapalawig ng face-to-face classes sa bansa.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan, mula sa kindergarten hanggang grade 3 at mga senior high schools students, inirekomenda itong buksan sa iba pang antas.
Epektibo ang plano sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 1 at 2.
Nitong Martes, unang sinuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng DepEd na expansion ng in-person classes ngayong darating na Pebrero. —sa panulat ni Abigail Malanday