Pabor ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na palawigin pa ang pagpapa-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng taong ito.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, nananatili pa ring episentro ng COVID-19 ang Metro Manila dahil sa mataas pa rin ang naitatalang bagong kaso rito araw-araw.
Giit ng kalihim, hindi pa dapat luwagan ang quarantine status kahit papalapit na ang pasko at may mataas na tsansang lumabas ang lahat na mauuwi sa pagtitipon na siyang delikado sa transmission ng virus.
Target aniya ng pamahalaan na mairaos muna ang kapaskuhan na mababa ang bilang ng naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa ilalim ng GCQ bagama’t unti-unti nang binubuksan ang ekonomiya.