Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang planong pagpapalawig sa libreng sakay sa EDSA bus-way para sa mga commuter.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni LTFRB Executive Director Kristina Cassion, na kanila nang pinag-uusapan at tinitignan ang mga lugar sa Metro Manila kung maaari pang palawigin ang mga public utility jeepneys partikular na sa kahabaan ng Commonwealth.
Ayon kay Cassion, mas dumami pa ang mga commuter na tumangkilik nang ilunsad ng pamahalaan ang libreng sakay program.
Sinabi pa ni Cassion na maging ang iba pang mga bansa sa buong mundo ay apektado rin ng mataas na presyo ng langis kaya malaking tulong ang ipinatupad na libreng sakay program ng pamahalaan.