Pag-aaralan ng Department of transportation (DOTr) at ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT)-3 ang posibleng pagpapalawig pa asa libreng sakay sa tren pagkatapos ng Abril a-30.
Ayon kay MRT3 OIC-General Manager Mike Capati, pag-aaralan kung puwede i-extend ang libreng sakay sa tren upang makatulong sa subsidy ng mga pasahero.
Dagdag ni Capati naging matagumpay ang unang araw ng libreng sakay kung saan nasa 280k na mga pasahero ang naserbisyuhan.
Inaasahan namang aabot pa sa 300k hanggang 400k na mga pasahero kada araw ang sasakay sa mga tren ng MRT sa mga susunod na araw.
Samantala, nabatid na pagsapit ng 2023, gagamitin na ng MRT-3 ang four-car trains nito at aalisin na sa riles ang mga three-car trains para mas maraming pasahero ang makasakay sa tren. — sa panulat ni Mara Valle