Nakahanda si Senador Chiz Escudero na suportahan ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao kung sakaling ihirit ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito, aniya ay kapag naipakita ng Malakanyang na nananatili pa rin ang banta ng mga terorista at kung ito’y dadaan sa constitutional process o ang pag-apruba ng Kongreso.
Para naman kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto, kakailanganin muna nila ng malawak na impormasyon para maging batayan kung dapat bang palawigin ang ipinatutupad na martial law.
Aniya, isa sa posibleng gawin ay ang extension ng batas militar sa buong Lanao del Sur na lamang.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno