Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang Kongreso lamang ang may kapangyarihan para palawigin pa ang naideklarang Martial Law.
Ang pahayag ay ginawa ni Drilon sa gitna ng usapin na maaring mag-isyu ang Pangulo ng panibagong proklamasyon ng Martial Law kapag hindi na palalawigin ng Kongreso ang Proclamation 216 na inilalagay ang Mindanao sa ilalim ng batas militar.
Ayon kay Drilon, malinaw na nakasaad sa konstitusyon na ang Kongreso ang may kapangyarihan na magpalawig ng Martial Law at ang Pangulo ay maaari lamang magrekomenda.
By: Meann Tanbio
Pagpapalawig ng Martial Law, Kongreso lamang umano ang mga kapangyarihan was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882