Masyado pang maaga para talakayin ang usapin ng pagpapalawig sa idineklarang batas militar sa Mindanao.
Ito’y ayon kay Senate President Koko Pimentel bagama’t naghihintay lamang siya ng ulat o kahilingan mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, nilinaw ni Pimentel na nakadepende sa Pangulo kung palalawigin nito o hindi ang idineklarang Martial Law batay na rin sa bigat ng sitwasyon gayundin sa laki ng pangangailangan para rito.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais na niyang tanggalin ang Martial Law sa Mindanao sa lalong madaling panahon ngunit nakadepende rin aniya iyon sa magiging rekomendasyon sa kanya ng militar.
By Jaymark Dagala