Iginiit ni Senador Juan Miguel Zubiri ang pagpapalawig sa idineklara ng martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taon.
Ito’y ayon kay Zubiri ay kahit napatay na ng militar ang dalawang lider terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute sa main battle area sa Marawi City.
Binigyang diin ni Zubiri na kinakailangan ito para sa ganap na magagamit ang lahat ng kinakailangan na mga human, material at financial resources para sa maayos at mabilis na rehabilitasyon sa lungsod.
Bagama’t nagkakaisa naman aniya ang lahat para sa pagtatamo ng kapayapaan at katatagan sa Marawi, sinabi ni Zubiri na asahan nang magiging mainit ang diskusyon sa Kongreso hinggil sa pag-aalis sa batas militar.