Posibleng irekomenda ng office of the presidential peace adviser ang pagpapalawig ng martial law sa ilang piling lugar na lamang sa Mindanao.
Tinukoy ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez ang Sulu, Lanao Del Sur, Maguindanao at iba pang lugar kung saan may presensya ang Abu Sayyaf , ISIS at iba pang armadong grupo.
Gayunman, tiniyak ni Galvez na nakahanda naman silang sumunod, anuman ang maging rekomendasyon ng Dept. of National Defense (DND) at Dept. of interior and Local Government (DILG).
Unang idineklara ang martial law sa Mindanao noong May 2017 sa gitna ng Marawi Siege at dalawang beses na ring napalawig hanggang sa December 31, 2019.