Suportado ng isang national security expert si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagnanais nitong palawigin ang batas militar sa Mindanao.
Ayon kay National Security and International Studies Expert Professor Rommel Banlaoi, may sapat na batayan ang pahayag ng pangulo lalo pa’t nakumpirma na ang kauna – unahang kaso ng Filipino suicide bomber.
Aniya, kasama rin dito ang nagpapatuloy na transition period ng Bangsamoro government at Marawi rehabilitation.
Sinabi pa ni Banlaoi na malaki ang maitutulong ng martial law para magkaroon ng peace and order sa Mindanao at mabawasan ang mga rido o away ng mga angkan na kadalasang nauuwi sa karahasan.