Malaki ang maitutulong ng pagpapalawig ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro at Mega Manila sakaling ipatupad ito.
Ayon iyan kay dating National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Anthony Leachon kasunod ng kaniyang mungkahi na gawing isang buwan na ang MECQ sa Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Binigyang diin sa DWIZ ni Leachon na kung papayagan ng pamahalaan ang pagpapalawig sa mecq kasabay ng mga hakbang upang labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19), tiyak na babangon din ang ekonomiya sa muling pagbubukas nito.
Kapag ka ready na tayo tinanggal na natin MECQ ‘yung mga health system capacity natin ready na. Dahil pag open tayo kaya natin harapin mag-testing, mag-isolation, at mag-contact tracing ‘yun po talaga ang susi para tayo makabalik sa ekonomiya. ani Leachon
Bagama’t aminado si Leachon na makatutulong aniya ng malaki kung magkakaroon na ng bakuna ang pilipinas laban sa COVID-19, mas madaling makababangon ang mga pilipino kung patuloy nitong susundin ang minimum health protocols bilang ibayong pag-iingat.
Kung marinig niyo ang sinabi ni Secretary Dominguez na nasa 20-milyon lang of the population ‘yung paglalaan ng pera ni Presidente Duterte para doon sa magkakaroon ng pagkataon mabakunahan at gagastos ang gobyerno ng P400-milyon. Meron tayong mahigit 80-bilyon pa na hindi mababakunahan so ang ibig kong sabihin kailangan ang ating behavior ay parang nasa ECQ ka o MECQ kasi ‘yung bakuna naman hindi pa kumpleto ‘yan. ani Leachon sa panayam ng DWIZ