Nananawagan ang isang public health expert na palawigin pang muli ng dalawang linggo ang ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating adviser ng National Task Force (NTF) on COVID-19 response, mas makapagpapalala sa sitwasyon at mataas na bilang ng kaso ang pagbabalik na sa general community quarantine (GCQ) ng Metro Manila at ibang probinsya.
Aniya, hindi tumitigil ang paglobo sa kaso ng COVID-19 na nangangahulugan na hindi nababawasang transmission o hawaan.
Iginiit ni Leachon, maiksi ang ibinigay na panahon para sa MECQ at oras na magbalik na aniya sa 75% ang mga papayagang magtrabaho sa ilalim ng GCQ, lalong dadami o tataas ang bilang ng mga infected.