Aabot sa P100,000.00 ang ini – aalok na bayad ng teroristang ISIS sa mga residente sa Mindanao para hikayatin ang mga ito na sumanib sa kanilang puwersa.
Sinabi ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo Del Rosario, nakatanggap sila ng mga ulat na mayroong isinasagawang ‘massive recruitment’ hindi lang sa Marawi City kung hindi maging sa kalapit na bayan nito.
Dahil dito, sinabi ni Del Rosario na personal niyang ire – rekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang umiiral na martial law sa Mindanao na mapapaso na sa katapusan ng taon.
Dagdag pa ni Del Rosario, kapag nagpatuloy ang batas militar ay mas mapapabilis ang rehabilitasyon sa Marawi City.
Sinegundahan naman ito Lanao del Sur Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Adiong at iginiit na isang pangangailangan para sa kanila ang martial law sa Mindanao.