Labag umano sa batas at kalabisan ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao ng hanggang 5 buwan.
Ito ang inihayag ni Senador Leila de Lima sa gitna ng kanyang hiling na makadalo sa joint session ng Kongreso bukas na tatalakay sa hirit ng Pangulo.
Ayon kay De Lima, walang nakasaad sa Saligang Batas na nagsasabing ang martial law extension ay maaaring higit sa orihinal na 60 araw.
Kahit anya gamitin ni Pangulong Duterte ang lahat ng natatanggap na intelligence information ay hindi ito sapat upang mahulaan o mabatid ang magiging sitwasyon sa Mindanao hanggang Disyembre.
Iginiit ng Senador na tanging diyos ang makapagsasabi kung ano ang mga posibleng mangyari sa Mindanao sa mga susunod na panahon.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
Pagpapalawig ng ML sa Mindanao labag umano sa batas – Sen. De Lima was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882