Ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Marawi City ang naging pasya ng Korte Suprema na pagtibayin ang ginawang pagpapalawig ng isang taon sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Marawi City Mayor Majul Gandamra, tiyak na mababawasan na ang kanilang pangamba hinggil sa posibilidad ng panibagong recruitment ng ISIS sa Lanao del Sur gayundin sa iba pang karatig lugar nito.
Malaki rin aniya ang maitutulong ng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao para sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng lungsod mula nang sumiklab ang bakbakan duon nuong Mayo ng nakalipas na taon.
Kasunod nito, tiwala ang alkalde na maaaksyunan agad ng mga awtoridad ang anumang hakbang o di kaya’y banta ng mga terorista hindi lamang sa Marawi kung hindi maging sa iba pang panig ng Mindanao.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio