Ipapanawagan ng Metropolitan Manila Development Authority sa mga mall owner sa kahabaan ng EDSA na ikunsidera na ang pagpapalawig ng kanilang modified mall hours simula sa Enero a-kinse.
Ilang mall operator na ang pumayag na baguhin ang oras ng kanilang operasyon simula noong Oktubre a-kinse upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko pero mapapaso na sa Lunes, Enero a-kinse ang adjusted operational hours.
Sa pakikipag-pulong ni MMDA Assistant General Manager for Planning Jojo Garcia sa mga mall owner at iba pang stakeholder, tinalakay nila ang posibilidad na palawigin ang implementasyon ng adjusted business hours.
Samantala, pinagsusumite naman bukas ng MMDA ang dalawampu’t limang operator ng datos hinggil sa epekto ng modified hours sa kanilang sales.