Hiniling na ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior na palawigin pa ang umiiral na state of calamity sa bansa dahil sa COVID-19.
Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, nakapagpasa na sila ng memorandum kay Pangulong Marcos na naghihimok na palawigin ang state of calamity.
Sinabi ng DOH ng hiling matapos hindi maisabatas sa oras ang panukalang batas na bubuo sa Philippine Center for Disease Prevention and Control, na magpapatuloy sa mga programa ng bansa para sa pagtugon sa COVID-19.
Noong Marso nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922, na nagdeklara ng state of public health emergency sa bansa dahil sa coronavirus outbreak.
Hanggang Disyembre trenta’y uno ngayong taon iiral ang deklarasyon, matapos itong palawigin ni PBBM nang maupo sa pwesto.