Nanawagan si Senate Committee on Health Chairman Christopher Bong Go kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pag-aralang mabuti ang pagpapalawig ng state of calamity bunsod ng covid-19 pandemic.
Ayon kay Senator Go, mas makabubuti kung susuriin muna ng pamahalaan ang sitwasyon ng bansa para malaman kung dapat paba itong palawigin.
Matatandaang ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity na epektibo na lang hanggang sa Setyembre a-12.
Ayon sa senador, handa siyang suportahan ang anumang programa ng punong ehekutibo upang matiyak na hindi madidiskaril ang pagtugon sa patuloy na tumataas na kaso ng covid-19 at ang vaccination program ng pamahalaan.
Iginiit ni Senator Go, na nais niyang masigurong na ginagawa lahat ng gobyerno ang mga hakbang upang maprotektahan ang kalusugan at buhay ng mga pilipino.
Sinabi pa ni Go na sa pagdinig ng kanyang komite sa Lunes, kanilang tatalakayin ang kasalukuyang health situation sa bansa.