Isinusulong ng isang mambabatas sa nalalabing panahon ng 16th Congress ang pagpapalawig sa termino ng mga barangay official.
Sa House Bill 6419 ni Pasay City Lone District Rep. Emi Calixto-Rubiano, nais nitong gawing 6 na taon ang termino ng mga Barangay Official.
Ito’y upang ma-i-angat ang local stability at maiwasan ang political interference sa lokal na pulitika.
Nais din ni rubiano na ipagpaliban ang barangay elections sa October 10, 2016 sa halip ay idaos ito sa October 8, 2018.
Ipinunto ng kongresista na ang barangay basic political division o unit ng bansa na “crucial” na bahagi ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga basic public service sa mga mamamayan.
By: Drew Nacino