Hindi pa napag-uusapan sa pulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kung palalawigin ang termino ni Philippine National Police (PNP) Chief Dionardo Carlos.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DILG Usec. Martin Diño na ipapaubaya na ang desisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Simula nang maupo ang pangulo, walang hepe ng PNP ang napalawig ang termino kaya ito rin ang tinitignang batayan ng DILG.