Nanawagan ang isang mambabatas sa Meralco na palawigin pa nila ang umiiral na ‘no disconnection period’.
Ito’y ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate kung pwedeng hanggang anim na buwan ang naturang ang polisya.
Giit ni Zarate na dapat ikunsidera ng naturang electric company ang kalagayan ng kanilang mga customers na naapektuhan ng pinairal na mahigpit na quarantine status.
Paliwanag ni Zarate na ang pagpapalawig sa ‘no disconnection policy’ ay hindi naman magreresulta ng pagkalugi sa kumpanya.
Sa halip ay magbibigay lamang ang pagpapalawig ng naturang polisiya ng sapat na panahon sa mga Meralco customers na makapagbayad ng kani-kanilang mga electric bills.