Sinusuportahan ni Sen. Alan Cayetano ang pagpahaba ng validity ng pasaporte sa bansa mula sa 5 taon patungo sa 10 taon.
Binigyang diin ni Sen. Cayetano na kailangang pasimplehin ang application system upang mabawasan ang paghihirap ng publiko sa pagkuha ng pag-renew ng kanilang pasaporte.
Partikular aniyang makatutulong ang mas pinahabang validity ng passport sa mga OFW at sa iba pang marginalized griup gaya ng persons with disabilities at mga Senior Citizens.
Nabatid din ng Sendaor na ang pagkakaantala sap ag-iisyu ng pasaporte sa mga OFW ay nagiging dahilan upang mawala ang kanilang inaplyang trabaho sa abroad.
Kaugnay nito, sinabi ni cayetano na balak niyang bisitahin ang one-stop center para sa mga OFW na matatagpuan sa Clark Pampanga upang makita kung paano tumatakbo ang sistema at serbisyo roon.
By: Allan Francisco