Higit na mananaig ang boses ng nakararami at ng Diyos sa susunod na eleksyon kapag mas maraming Pilipino ang makaboboto.
Binigyang-diin ito ni senate committee on electoral reforms chair Imee Marcos matapos matuwa sa pag-apruba ng Comelec En Banc sa resolusyong nagpapalawig sa voter registration mula Oktubre 9 hanggang 31.
Sinabi ni Marcos na ngayong sigurado na ang pagpapalawig ng voter registration, asahan nang maitatala ang pinakamalaking bilang ng mga botante na lalahok sa 2022 elections kahit pa may pandemya—mula sa ulat ni Patrol 19, Cely Bueno