Pinag aaralan pa rin ng Commission on Elections ang posibleng pagpapalawig ng voter registration sa mga lugar na apektado ng bagyong Lando.
Ipinabatid ni COMELEC Chairman Andres Bautista na ina-assess pa nila ang sitwasyon sa mga lugar na binayo ng bagyo bago mag desisyon kung kailangang i extend ang registration sa mga lugar na ito.
Gayunman, muling iginiit ni Bautista na wala nang extension ang registration sa mga lugar na hindi naapektuhan ng bagyong lando o hanggang sa October 31 lamang.
Patuloy na hinihimok ni Bautista ang publiko na samantalahin ang natitirang 6 na araw ng registration para makaboto sa 2016 presidential elections.
By: Judith Larino