Isinulong ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago na mapalawig pa ng isang buwan ang voter’s registration ng COMELEC.
Sa halip na Setyembre 30, sinabi ni Elago na dapat palawigan hanggang Oktubre 31 ang pagpaparehistro dahil na rin sa restrictions na ipinatupad sa ilang bahagi ng bansa na nasa ilalim pa rin ng Enhanced Community Quarantine kaya’t nagsara muna pansamantala ang mga tanggapan ng COMELEC at hindi rin makalabas ang mga tao.
Tinatayang nasa 13-M pinoys ang hindi pa nakakapagpa rehistro sa COMELEC maliban pa sa 6.3-M deliquent voters o hindi nakaboto ng dalawang beses kung kaya’t burado na sa official list.
Kasabay nito, nanindigan si Elagao na tuloy ang pagtakbo ng Kabataan Party List sa 2022 National Elections sa kabila ng cancellation of registration plea ng NTF ELCAC matapos akusahan ang nasabing grupo na konektado sa CPP NPA kaya’t dapat na huwag isama sa eleksyon.